Ito yung Lahat ng ingredients bago hatiin sa chocolate mixture at white mixture...
1 1/2 cups ordinary rice
1/2 cup malagkit
2 cups water ( pang babad)
1 cup white sugar
2 cups coconut milk
4 tbsp butter or margarine
5 pcs tablea
Mani nakalimutan ko lagyan ang ginawa ko
Banana leaves
INGREDIENTS FOR
WHITE MIXTURE
Kalahati ng mixture na bigas na giniling na
2 tbsp butter or margarine
1/2 cup white sugar
1 cup coconut milk
Mani nakalimutan ko lagyan ang akin.
Banana leaves
INGREDIENTS
FOR CHOCOLATE mixture
Kalahati ng mixture na bigas na giniling na
2 tbsp butter
1/2 cup white sugar
1 cup coconut milk
5 pcs tablea
Mani nakalimutan ko lagyan ang akin
Banana leaves
Procedure ng bigas
1.Ibabad sa 2 cups na tubig ang ordinary rice at malagkit na bigas overnight magkasama sa pag babad ang malagkit at ordinary
2.Kinabukasan salain ang binabad na bigas at huwag muna itapon ang tubig na pinagbabaran...
3.Eblender ang bigas note para hindi ma over heat ang blender gayahin yung ginawa ko naglagay ako sa blender ng tatlo na 1/4 cups na binabad na bigas at lagyan ng 4 tbsp na tubig yung pinagbabaran ng bigas...make sure na on and off ang blender para iwas over heat...
PROCEDURE FOR CHOCOLATE MIXTURE
1.Ilagay ang butter sa kawali or kaldero hanggang sa matunaw low heat only
2.Ilagay ang coconut milk at haluin.
3.Ilagay ang white sugar at haluin
4.Ilagay ang tablea at haluin hanggang matunaw
5.ilagay ang rice mixture at haluin hanggang sa wala ng liquid na matira like hanggang sa parang dough na siya...
Make sure na low heat only until end.
Palamigin muna
PROCEDURE FOR WHITE MIXTURE
1.Ilagay ang butter sa kawali or kaldero hanggang matunaw low heat only
2.Ilagay ang coconut milk at haluin.
3.Ilagay ang white sugar at haluin.
4.Ilagay ang rice mixture at haluin hanggang matuyuan like parang dough na siya.
After lutuin ang chocolate at white mixture idarang na sa apoy ang banana leaves.ang ginawa ko sa akin nagpainit ako ng tubig sa kawali at doon ko pinainitan ang banana leaves 1by1 until matapos.
Pag ready na ang banana leaves punasan make sure na malinis din lagyan ng butter
Kumuha ng white mixture at pagulungin sa palad hanggang humaba nasa inyo na kung paano kayo magpahaba,,din ilagay sa banana leaves
Din kumuha ng chocolate mixture at pagulungin sa palad at pahabain din ipatong na sa white mixture at ipaikot.
Balutin na ng banana leaves at talian ang ginamit ko na pang tali ay banana leaves din.
Ilagay na sa steamer at steam ng 30 minutes sa malakas na apoy.
After 30 minutes ready to eat na ang masarap na moron
No comments:
Post a Comment